Employers ayaw pa ring kunin sa trabaho ang K-to- 12 graduates

Ayaw pa rin ng maraming employer na kunin ang serbisyo ng mga nagtapos sa senior high school.

Batay ito sa resultang isinagawang survey ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula Hulyo hanggang Setyembre 2019.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education sa panukalang Batang Magaling Act, sinabi ng DOLE na inalam nila bakit ayaw tumanggap ng mga employers ng mga K-to-12 graduates at ano ang kanilang karanasan sa pagkuha ng mga senior high school graduates.

Lumitaw sa pag-a-aral ng DOLE na ayaw ng mga employer ang senior high school graduates dahil sa kakaunting kaalaman, hindi pa mature tulad ng mga college graduate, hindi competent at walang sapat na skills.

“Tinitingnan ng mga employer yung senior high school program at maliit yung kanilang kaaalaman … tinitingnan nila na mas kaunti ang maturity nila kumpara sa college graduate,” paliwanag ni Jerome Lucas, supervising labor and employment officer ng DOLE.

Sakaling makapasok sa trabaho, sinabi ni Lucas na inilalagay ang mga K-to-12 graduates sa blue-collar position o hindi masyadong nangangailangan ng skills.

“Marami pang kailangang gawin para i-promote sa mga employers ang senior high school program na maiintindihan nila ano ba, gaano ba ka-competent ang mga senior high school graduates,” dagdag pa ni Lucas.

Depensa naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), kulang ang kaalaman ng mga K-to-12 graduates sa mga kinakailangang skills sa trabaho

Mungkahi ng ECOP, dapat mag-focus ang Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Administration (TESDA) sa mga subject na may kaugnayan sa agriculture at automotive na mas kailangan ngayon ng mga industriya

Inirekomenda naman ng senado ang mas mahigpit na koordinasyon ng DepEd, TESDA at mga employers para hindi na magkaroon ng job mismatch.

Isinusulong rin sa senado na bigyan ng incentives o kaya’y kaltasan ang buwis na kinokolekta sa mga kumpanyang nagha-hire ng mga K-to-12 graduates

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *