Employment rate sa bansa tumaas bago matapos ang 2022 ayon sa PSA
Dumami ang bilang ng mga nagkatrabaho sa bansa bago matapos ang 2022.
Ito ang report na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA sa pamamagitan ni Dr. Dennis Mapa National Statistician and Civil Registrar General.
Sinabi ni Mapa na pangunahing dahilan ng pagtaas ng employment rate sa bansa ay ang pagluluwag pa ng mga protocol sa lahat ng economic activities sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng COVID 19.
Ayon kay Mapa kung titingnan ang data ng persons in the labor force at labor force participation rate sa pagtatapos ng 2022 ay bumalik na ito sa 2019 pre-pandemic status ang employment at unemployment rate ng bansa.
Inihayag ni Mapa batay sa PSA Labor Force Survey na ginanap noong November 8 hanggang November 28, 2022 umabot sa 59.71 million ang nagkaroon ng trabaho o 95.8 percent kumpara noong October 2022 na nasa 47.11 million lamang ang may trabaho o 95. 5 percent mas mataas ng 4.23 million o point 5 percent.
Niliwanag ni Mapa bumaba din ng point 3 percent ang unemployment rate sa bansa noong November 2022 dahil naitala ang 2.18 million ang walang trabaho o 4.2 percent kumpara sa 2.24 million ang walang trabaho noong October 2022 o 4.5 percent.
Samantala ang bilang ng mga underemployed persons noong November 2022 ay tumaas ng point 2 percent mula sa 14.2 percent o 6.67 million noong October 2022 ay naging 7.6 million o 14.4 percent noong November 2022.
Vic Somintac