Employment rate sa bansa tumaas noong 2022 , ayon sa PSA
Dumami ang bilang ng nagkaroon ng trabaho sa bansa sa pagtatapos ng taong 2022 kumpara noong taong 2021.
Ito ang report na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA kaugnay ng December 2022 Labor Force Survey sa pamamagitan ni Undersecretary Dennis Mapa National Statistician.
Sinabi ni Mapa bagamat maituturing na tumaas ang employment rate sa bansa noong December 2022 kung saan naitala ang 49 milyon ang nagkaroon ng trabaho kumpara noong December 2021 na naitala ang 46.27 milyon ang nagkaroon ng trabaho bahagyang bumaba naman ang employment rate noong December 2022 kumpara noong Nonvember 2022 na naitala ang 49.71 milyon ang nagkatrabaho.
Ayon kay Mapa sa unempolyment rate sa bansa bumaba ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho noong December 2022 matapos maitala ang 2.22 milyon na unemployed kumpara noong December 2021 na mayroong 3.8 milyon ang walang trabaho.
Inihayag ni Mapa sa usapin naman ng underemployment sa bansa bumaba ang percentage noong December 2022 matapos maitala ang 6.20 milyon ang sumusuweldo ng hindi sapat kumpara noong December 2021 kung saan naitala ang 6.81 milyon underemployment rate.
Niliwanag ni Mapa na binabantayan ng PSA ang mga factor ng employment, unemployment at underemployment sa bansa dahil sa isyu ng inflation rate at global economic situation dulot ng pandemya ng COVID 19, Climate change at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Vic Somintac