English village na umaangat ng 2 centimeters kada taon

Masasabi ng mga residente ng Willand, isang maliit na village sa Devon, United Kingdom, na literal silang umaangat, matapos matuklasan ng mga Scientists na umaangat ito ng 2 cm. (0.7 inches) kada taon, nguni’t wala silang ideya kung bakit.

Ang misteryosong pag-angat ay na-ispatan ng mga researcher sa Geomatic Ventures Limited (GVL), isang offshoot company ng the University of Nottingham, na nagsagawa ng kauna-unahang country-wide map ng land motion ng Britanya.

Ito ay sa pamamagitan ng pagko-compile ng mga satellite images mula 2015 hanggang 2017.

Habang ina-analisa ang mga images, napansin nila na ang isang elliptical area na nasa 1.2 miles (2km) ang lapad ay hindi huminto sa  pag-angat ng nasa 2 cm. bawat taon.

Ang ganitong pangyayari ay karaniwang nagaganap sa mga abandonadong minahan, subali’t walang minahan sa loob man o paligid ng Willand.

Ayon sa mga eksperto, ang katotohanang sabay na umaangat ang urban areas at surrounding fields ng Willand, ay maaaring sa kailaliman ng lupa nagmumula, at nababahala sila na pwedeng bunga ito ng isang environmental discharge o huge leak.

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *