Enhanced Nutribun na binubuo ng DOST, siksik sa micronutrients na kailangan ng mga batang mag-aaral
Sisksik sa bitamina at mineral na kailangan ng mga batang mag- aaral ang Enhanced nutribun na dinedevelop ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).
Matatandaag ibinalik ng ahensya ang nabanggit na produkto na may malaking maitutulong sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan partikular ang mga batang malnourished.
Ayon sa DOST-FNRI, kabilang sa mga idudulot na sustansya sa kakain ng isang enhanced nutribun ay 461 miligrams ng Potassium, 264 milligrams ng Calcium, 223 micrograms ng Vitamin A, 123 micrograms ng Iodine, 6 milligrams ng Iron, at 2 milligrams ng Zinc.
Belle Surara