EO para sa implementasyon ng RCEP aprubado ni PBBM
Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dalawang landmark measures para sa pagsusulong ng mga pamamaraan para sa maunlad, inclusive at resilient na Pilipinas.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na kabilang sa inaprubahan ng Pangulo sa pinangasiwaang NEDA Board meeting ang pagpapalabas ng Executive Order (EO) para sa implementasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Social Protection Floor (SPF) ng pamahalaan.
“During its fifth meeting today, the NEDA board, chaired by President Ferdinand Marcos Jr., approved two landmark measures that will advance our efforts toward achieving deep social and economic change leading to a prosperous, inclusive, and resilient Philippines,” pahayag ni Balisacan.
Ang RCEP ay isang free trade agreement na unang lumutang noong August 2012 sa hanay ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng mga partner countries na Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.
Wala pang detalye kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang EO, ngunit ayon kay Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, magiging epektibo ang kautusan sa June 2, 2023 at ipatutupad ng Bureau of Customs (BOC).
“Once issued, the EO shall be the basis of the Bureau of Customs for the issuance of Customs Administrative Order, which shall be distributed to all ports to allow for the implementation of the preferential tariffs on e-ports from RCEP member countries,” paliwanag ni Pascual.
“This section provides the President shall upon recommendation of the NEDA Board modify, import duties including any necessary change in classification and other import restrictions as required appropriate to carry out and promote foreign trade with other countries,” paliwanag pa ng kalihim.
Hindi pa binanggit ni Pascual kung ilang pribadong kumpanya ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa bansa.
Una rito, tiniyak ng administrasyong Marcos na ang mga benepisyo ng RCEP ay pantay-pantay na ibinabahagi sa lahat stakeholders at ang mga angkop na hakbang ay isinasagawa upang mabawasan ang negatibong epekto sa mahihinang sector.
Eden Santos