Epekto ng TRAIN sa oil products, mararamdaman na sa pagtatapos ng Enero
Bagamat nagtaas na ng presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil companies, sa pagtatapos pa raw ng Enero mararansan ang mas matinding impact ng oil price hike dulot ng ipinataw na excise tax sa ilalim ngtax reform for acceleration and inclusion o TRAIN.
Sa pagdinig ng committee on energy, inamin ng mga opisyal ng DOE na magtataas ng presyo sa katapusan ng Enero ang halos nobenta porsyentong mga kumpanya ng langis.
Pero inamin ni DOE Assistant Secretary Leonido Pulido III na nagtaas na ng presyo ang big three o ang Caltex, Petron at Shell noon pang Lunes.
Hindi raw nila maaring pigilan ang mga kumpanya ng langis dahil sa umiiral na deregulation.
Dahil dito, inatasan ng komite na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian, ang DOE na isumite sa senado ang ginawang analysis kung kailan dapat nagamit ang lumang stocks ng mga oil companies para maging basehan ng pagtataas ng presyo.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===