ERC hindi na muna ipapasa sa mga consumers ang 3 porsyentong franchise tax na pinapasan ng National Grid Corporation of the Philippines
Sa joint Congressional Energy Commission hearing, sinabi ni Monalisa Dimalanta ng Energy Regulatory Commission na inaprubahan na ang resolusyon na nagsusupinde sa pagpapataw ng franchise tax
Unanimous aniya ang naging desisyon ng ERC na huwag munang ipatupad ang 2011 resolution na nagtatakda na isama ang franchise tax ng NGCP sa buwanang singil sa kuryente ng mga distribution facilities katumbas ito ng isang sentimo sa kada kilowat hour ng kuryente.
2008 nang pagtibayin ang Republic Act 9511 na nagbibigay ng prangkisa sa NGCP kung saan pinatawan sila ng 3 percent franchise tax sa gross receipts
Ayon kay Dimalanta, naisumite na rin ng NGCP ang hinihinging paliwanag bakit na delay ang kanilang mga proyekto
“We are also completing the review as we all know no reset more 10 years timeline for the NGCP were doing actual review of their costs, issued show cause order to and complied very detailed very substance information.” Pahayag ni Energy Regulatory Commission Monalisa Dimalanta
Samantala, tiniyak ng Department of Energy na walang mangyayaring brownout sa luzon sa inaasahang pagdaraos ng fiba world cup ngayong Agosto at Baranggay at Sangguniang Kabataan elections sa oktubre
Ayon sa DOE may sapat na suplay ang luzon grid dahil balik operasyon na ang Ilijan Power Plant
“In consideration na we will be hosting the FIBA World Cup starting August 25, as well as the barangay and sangguniang kabataan election on oct. 30 in 2023, sinasabi po ng ating projection yung available capacity po natin [our projections and our available capacity] including the resumption of operation of Ilijan [power plant] will provide ample supply and reserve to the luzon grid.” paliwanag ni DOE Asec. Mario Marasigan
Meanne Corvera