Eroplano na may lulang 132 bumagsak sa bundok sa southern China
Isang China Eastern passenger jet na may lulang 132 katao ang bumagsak sa isang liblib na gilid ng bundok sa southern China nitong Lunes, matapos bumulusok ng mahigit 20,000 talampakan sa loob lamang ng isang minuto, na nagdulot ng pagsiklab ng apoy dahil sa impact.
Inamin ng airline na ilan sa sakay ng Boeing 737-800 na galing sa siyudad ng Kunming at patungo sana sa southern hub ng Guangzhou ay namatay, nguni’t wala nang ibinigay na iba pang mga detalye. Agad namang nagpatawag ng full investigasyon si Chinese president Xi Jinping.
Sa Guangzhou, tinulungan ng mga kawani ang mga mahal sa buhay ng 123 mga pasahero at siyam na tripulante na sakay ng eroplano, na hindi na nagpadala ng anomang flight information pagkatapos bumulusok ng 26,000 talampakan sa loob lamang ng tatlong minuto.
Ayon sa Civil Aviation Administration of China (CAAC) . . . “ Flight MU5735, which took off from Kunming shortly after 1:00 pm (0500 GMT), ‘lost airborne contact over Wuzhou’ city in the Guangxi region.”
Pahayag naman ng China Eastern . . . “ The company expresses its deep condolences for the passengers and crew members who died in the plane crash.”
Ang sakuna ay nag-udyok ng isang hindi pangkaraniwang mabilis na reaksyon mula kay Xi, na nagsabing siya ay “nagulat” at nag-utos ng isang agarang pagsisiyasat sa sanhi nito, na nanawagan para sa “ganap na kaligtasan” sa paglalakbay sa himpapawid.
Sinabi ng US National Transportation Safety Board na pinangalanan nito ang isang senior investigator bilang kinatawan sa imbestigasyon, at ang mga opisyal mula sa Boeing, General Electric at Federal Aviation Administration ay magiging mga technical advisors.
Daan-daang mga bumbero ang ipinadala sa pinangyarihan ng sakuna sa Teng county malapit sa Wuzhou, ayon sa ulat ng state media, habang nagmamadali ring tumulong ang mga nasa kalapit na village sa rescue efforts.
Lumitaw sa flight tracking website na FlightRadar24, na ang eroplano ay biglang bumulusok mula sa taas na 29,100 talampakan hanggang sa halos 7,850 talampakan (8,870 hanggang 2,393 metro) sa loob lamang ng isang minuto. Pagkatapos ng sandaling pag-angat, bumagsak ito sa 3,225 talampakan. Wala nang pumasok na data mula sa flight pagkalipas ng 2:22 pm.
Makikita sa aerial images ng crash site ang isang malaking crater sa tabi ng gilid ng isang maberdeng bundok.
Nitong Lunes ng hapon ay pinalitan ng China Eastern ang kanilang website ng itim at puti.
Sinabi ng kompanya, na noong Enero ay iniulat nila na mayroon silang 289 Boeing 737-series aircraft sa kanilang 751-strong fleet. Iniulat ng Chinese media na grounded na ngayon ang lahat ng 737-800 jets ng kompanya.
Ayon kay Jean-Paul Troadec, dating direktor ng Bureau of Enquiry and Analysis for Civil Aviation Safety ng France, na “napakaaga” pa para gumawa ng konklusiyon, nguni’t sinabing ang FlightRadar data pattern ay “lubhang kakaiba.”