Eroplanong may mga pasaherong Indian nationals na grounded sa France, pinayagan nang umalis
Pinayagan nang umalis ang isang eroplano na may lulang 303 Indian passengers na pinigil makaalis malapit sa Paris, dahil sa hinala ng human trafficking ngunit hindi malinaw ang destinasyon nito.
Ang Nicaragua-bound Airbus A340 at ang Indian passengers nito ay pinigil sa Vatry airport, 150 kilometro (95 milya) silangan ng Paris, nang dumating ito noong Huwebes mula sa Dubai para mag-refuel, makaraan ang isang anonymous tip-off na nagsasabing lulan nito ang potensiyal na mga biktima ng human trafficking.
Matapos ang dalawang araw na pagtatanong sa mga pasahero, ay binigyan na ng go-signal ng French prosecutors na makaalis ang eroplano, ngayong Lunes.
Bagama’t hindi binanggit ang destinasyon, sinabi sa mga mamamahayag ng pinuno ng local bar association, na si Francois Procureur, na ang mga pasahero ay dadalhin sa India.
Sinabi ng isang source na may nalalaman sa pagsisiyasat na ang mga Indian ay malamang na mga trabahador sa United Arab Emirates na dapat ay patungo sa Nicaragua, bilang jumping off spot para sa Estados Unidos o Canada.
Ang mga pasahero ng flight, na pinamamahalaan ng kumpanya ng Romania na Legend Airlines, ay pinababa muna sa paliparan sa panahon ng pagsisiyasat.
Nagtayo ng mga mahihigaan, toilets at showers, habang pinigilan naman ng mga pulis ang mga mamamahayag at outsiders na makapasok sa paliparan.
Kabilang sa mga pasahero ang 11 menor-de-edad na walang kasama ayon sa Paris prosecutors.
Dalawang pasahero naman ang idinitini simula pa noong Biyernes “upang beripikahin” kung may ibang dahilan sila kaysa iba pang mga pasahero kung bakit lulan sila ng naturang eroplano, ano ang kondisyon at ano ang kanilang layunin.”
Labingdalawa sa mga pasahero ang humiling ng asylum, ayon sa isang source.
Noong Sabado ay nagpost ang Indian embassy sa Paris kung saan nakasaad, “Embassy consular staff were on site to working with French authorities ‘for the welfare of detained passengers for an early resolution of the situation.”
Hindi naman idinitini ang 30 crew members.
Ayon sa Flightradar 24, “Some handled the Dubai-Vatry leg and others were to take over for the flight to Managua. Legend Airlines has just four planes.”