Estado ng Victoria sa Australia, umatras sa pagiging host ng 2026 Commonwealth Games
Umatras sa pagho-host ng 2026 Commonwealth Games ang estado ng Victoria sa Australia, banggit ang malaking gastusin na ikinagalit ng mga organizer.
Sinabi ni State Premier Daniel Andrews na ang paunang tinatayang Aus$2 billion (US$1.36 billion) na kakailanganin sa pagdaraos ng mga laro, ay malamang na umabot sa humigit-kumulang Aus$7 billion, na aniya’y masyadong malaki.
Sa isang press conference sa Melbourne ay sinabi niya, “I’ve made a lot of difficult calls, a lot of very difficult decisions in this job. This is not one of them. Frankly, $7 billion for a sporting event, we are not doing that. I will not take money out of hospitals and schools to host an event that is three times the cost estimated and budgeted for last year.”
Dagdag pa niya, “The Games will not proceed in Victoria in 2026. We have informed Commonwealth Games authorities of our decision to seek to terminate the contract.”
Ang event na kinatatampukan ng 20 sports at 26 disciplines, ay nakatakdang ganapin sa magkabilang panig ng limang regional hubs sa estado na kinabibilangan ng Geelong, Ballarat, Bendigo, Gippsland at Shepparton, na bawat isa ay magkakaroon ng sarili nitong athletes’ village.
Sinabi ni Andrews na ikinonsidera ng kaniyang team na bawasan ang bilang ng hubs o kahit na ilipat ang mga laro sa Victoria state capital na Melbourne, pero wala aniyang puwede sa mga naturang opsiyon.
Sa halip, ay nag-anunsiyo na lamang siya ng isang Aus$2 billion support package para sa regional Victoria.
Tumanggi si Andrews na sabihin kung magkano ang magagastos upang i-terminate ang kasunduan, ngunit iginiit na maayos ang naging pakikipag-usap nila sa Commonwealth Games Federation.
Subalit hindi masaya ang Federation at sinabing ang hakbang ay “lubhang nakadidismaya.”
Sa isang pahayag ay sinabi ng Federation, “We are disappointed that we were only given eight hours’ notice and that no consideration was given to discussing the situation to jointly find solutions prior to this decision being reached by the government.”
Ang kontrata ay ibinigay sa Victoria 14 na buwan na ang nakalilipas bilang exclusive bidder, kung saan ayon sa Federation mula noon ay nagpasya na ang estado na magdagdag pa ng sports, regional hub, at binago ang mga plano para sa venues.
Ayon pa sa pahayag, “This additional expense was ‘often against the advice of the Commonwealth Games Federation and Commonwealth Games Australia,’ but we received assurances that ‘sufficient funding was available to deliver’ the Victoria 2026 Commonwealth Games”.
Dahil sa desisyon ng pag-pullout, nakalutang ngayon sa hangin ang kahihinatnan ng mga laro, kung saan pakaunti na ng pakaunti ang mga bansa na nagpapakita ng interes na makibahagi sa isang kaganapan na nakikitang nawawalan na ng halaga.
Giit naman ng Federation, “We remain ‘committed to finding a solution for the Games in 2026’ that is in the best interest of our athletes and the wider Commonwealth Sport Movement”.
Ang event ay karaniwang nilalahukan ng higit sa 4,000 mga atleta mula sa 54 na mga bansa sa Commonwealth, na halos lahat ay mga dating teritoryo ng British Empire.
Ang huling mga laro noong 2022, ay ginanap sa England.
Sa isang liham sa staff na binanggit ng Herald Sun newspaper, sinabi ni Commonwealth Games Australia president Ben Houston, na Martes ng umaga lamang ipinabatid sa kaniya ang tungkol sa naturang desisyon.
Tinawag niya iyon na, “extremely disappointing” at sinabing, “We are working with the Commonwealth Games Federation to understand the broad impacts on the Games in 2026.”
Dagdag pa ni Houston na isang Victorian state opposition, “Andrew’s decision is a ‘massive humiliation’ and ‘hugely damaging to Victoria’s reputation’ as a global events leader.”