Estados Unidos, nag-donate ng 100 bago at State-of-the-Art ventilators sa Pilipinas
Nagkaloob ang US government ng 100 bago at state-of-the art na ventilators at mga associated supplies sa Pilipinas bilang tulong sa laban nito sa Covid-19.
Si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nanguna sa pag- turnover ng mga ventilators kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Health Secretary Francisco Duque III sa Malacañang.
Ayon kay Ambassador Kim, gawa sa Estados Unidos ang mga ventilators na mayroong leading-edge at in-demand technology.
Isa anya itong life saving resource para sa mga Covid patients na nangangailangan ng oxygen support.
Sinabi ng US Embassy na magbibigay din ang US Agency for International Development o USAID ng training at technical assistance para suportahan ang mga health facilities sa pag-operate sa mga ventilators.
Ang DOH ang mangangasiwa sa paghahatid ng mga ventilators sa mga ospital sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Inihayag pa ni Ambassador Kim na ang mga ventilators ay bahagi ng patuloy na partnership ng Amerika at Pilipinas.
Tiniyak ng ambassador na patuloy silang makikipagtulungan sa Pilipinas sa paglaban sa Covid-19.
Umaabot na sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng kabuuang kontribusyon ng US sa Covid response ng Pilipinas.
-Moira Encina