Ethanol fuel ban sususpendihin muna ni Biden para mapababa ang gas prices
Inanunsiyo ni US President Joe Biden ang planong suspendihin ang isang federal rule, upang mapalawak ang paggamit sa E15 blend gasoline sa panibagong pagsisikap na bigyan ang mga motorista ng mas abot kayang halaga ng produktong petrolyo.
Ang anunsiyo ay ginawa habang sinusubukan ni Biden na lutasin ang isang pangunahing isyu para sa mga Amerikano, bago ang midterm election sa Nobyembre. Ayon sa Automobile Association of America (AAA), ang national price ng gasolina ay $4.10 kada galon.
Sinabi ni Biden na papayagan ng Environmental Protection Agency (EPA) ang E15, na gumagamit ng ethanol, para maipagbili ngayong summer. Isang federal ban ang pumigil sa bentahan ng E15 mula June 1 hanggang Sept. 15 dahil sa pangamba ng air pollution kapag panahon ng summer.
Ayon sa announcement . . . “E15 is about 10 cents per gallon cheaper than E10. Some gas stations offer an even bigger discount than that. But many of the gas stations that sell it … are required to stop selling it in the summer, but with this wavier, on June 1, you’re not going to show up and see a bag over the pump with the cheapest gas. You’re going to be able to keep filling up with E15 and it’s going to solve a whole problem.”
Ang Ethanol fuels ay gawa mula sa biomass gaya ng mais at tubo (sugarcane). Ang Iowa ang piniling lugar para gawin ang anunsiyo ni Biden dahil sa malawak nitong industriya ng mais.
Sinabi ng mga opisyal ng White House, na ang lahat ng gasolina sa Estados Unidos ay naglalaman ng humigit-kumulang 10% ethanol. Sa pamamagitan ng pagtataas sa antas nito sa 15% blend ay makatitipid ang mga driver ng humigit-kumulang 10 sentimo kada galon.
Ayon sa statement . . . “An emergency waiver can help increase fuel supplies, give consumers more choice to get lower prices and provide savings to many families. At current prices, E15 can save a family 10 cents per gallon of gas on average, and many stores sell E15 at an even greater discount. For working families — families eager to travel and visit their loved ones — that will add up to real savings. Allowing higher levels of blending will also reduce our dependency on foreign fuels as we rely more heavily on home-grown biofuels.”
Sinabi ng Energy Department na ang E15 ay ipagbibili sa 2,300 gas stations sa 30 estado, subali’t maliit na bahagi lamang ito ng 150,000 fuel stations sa U.S. passenger gasoline market.
Paulit-ulit nang tinawag ni Biden ang gas surge na “Putin’s price hike,” isang resulta ng giyera ni Russian President Vladimir Putin sa Ukraine.
Nakasaad pa sa statement ng White House . . . “The actions of a dictator half a world away should not impact what families pay at the pump here at home.’
Noong Lunes ay sinabi ng AAA na ang halaga ng gasolina sa Estados Unidos ay bumaba ng humigit-kumulang walong sentimo bawat galon sa nakalipas na linggo. Si Biden ay gumawa ng iba pang mga hakbang para mapababa ang presyo, kabilang ang paggamit sa U.S. strategic reserve para sa dagdag na 180 million barrels sa susunod na ilang buwan.