Europe dumanas ng maraming araw ng ‘extreme heat stress’ noong 2023: monitors
Dumanas ang Europe ng isang “record number of extreme heat stress” days noong 2023, ayon sa dalawang pangunahing clmate monitors at binigyang-diin ang banta ng lalong nakamamatay na tag-araw sa buong kontinente.
Sa isang taon ng magkakaibang ‘extreme weather events,’ nasaksihan ng Europe ang nakapapasong heatwaves pati na rin ang sakuna ng pagbaha, nakalalantang tagtuyot, mararahas na mga bagyo at ang pinakamalaking wildfire.
Ang mga sakunang ito ay nagdulot ng bilyun-bilyong dolyar na pinsala at nakaapekto sa higit sa dalawang milyong tao, ayon sa bagong joint report ng Copernicus Climate Change Service ng European Union (EU) at ng World Meteorological Organization (WMO) ng United Nations (UN).
Ang mga resulta nito para sa kalusugan ay partikular na malubha, kung saan ayon sa nabanggit na mga ahensiya ang init ang pinakamalaking banta na nauugnay sa klima, habang ang global warming ang nagtutulak sa mas mainit na summers sa Europe.
Sinabi ni Rebecca Emerton, isang climate scientist sa Copernicus, “We’re seeing an increasing trend in the number of days with heat stress across Europe and 2023 was no exception, with Europe seeing a record number of days with extreme heat stress.”
Para sa naturang pag-aaral, ginamit ng Copernicus at WMO ang Universal Thermal Climate Index, na sumusukat sa epekto ng kapaligiran sa katawan ng tao.
Isinaalang-alang dito hindi lamang ang mataas na temperatura kundi maging ang humidity, bilis ng hangin, sikat ng araw, at init na inilalabas ng kapaligiran.
Ang index ay mayroong 10 magkakaibang mga kategorya ng ‘heat at cold stress,’ na may unit ng degrees Celsius na kumakatawan sa ‘feels-like’ temperature.
Ayon kay Emerton, “Extreme heat stress is equivalent to a feels-like temperature of more than 46 degrees Celsius,’ at which point it’s imperative to take actions to avoid health risks such as heat stroke.”
Ang matagal na pagkakalantad sa heat stress ay partikular na mapanganib para sa ‘vulnerable people’ gaya ng mga matatanda at yaong may pre-existing health conditions.
Batay sa report, ang epekto ng init ay mas matindi sa mga siyudad.
Nakasaad sa ulat na 23 sa 30 pinakamalalang heatwaves na naitala sa Europe ay nangyari ngayong siglo at ang heat-related deaths ay umakyat sa humigit-kumulang 30 porsiyento sa nakalipas na 20 taon.
Ang 2023 ay hindi ang pinakamainit na summer sa Europe, ang totoo, ito ay panglima, ngunit hindi nangangahulugan na hindi ito nakapapaso.
Sabi pa ni Emerton, “Much of Europe sweltered from heatwaves during an ‘extended summer between June and September. September was the warmest on record for Europe as a whole.”
Noong July 23, isang hindi pa nangyayaring 13 porsiyento ng Europe ang nakaranas ng mataas na lebel ng heat stress, kung saan ang southern Europe ang pinaka naapektuhan.
Ang data sa mga pagkamatay sa Europe mula sa extreme heat noong 2023 ay hindi pa available.
Gayunman ayon sa report, libu-libong katao ang tinatayang namatay dahil sa heatwaves sa panahon ng napakainit na summers sa Europe noong 2003, 2010 at 2022.
[File photo] This photograph taken in August 2023 shows burnt sunflowers in a field during a heatwave in southeastern France, where temperatures reached 43 degrees Celsius / Jeff Pachoud, AFP
Sinabi ni Alvaro Silva, isang climatologist mula sa WMO, “We see that there is excess mortality when we see such extreme heatwaves like was the case in 2023. This increase in mortality… is affecting (the) big majority of European regions. This is a big concern.”
Sumang-ayon ang mga siyentipiko na ang greenhouse gas emissions ang nagpapainit sa planeta, nagdudulot ng mas matindi at mas madalas na extreme weather events.
Ayon pa sa report, “Europe is warming twice as fast as the global average and heatwaves will become longer and more powerful in future. This — coupled with ageing populations and more people moving to cities — will have ‘serious consequences’ for public health. Current heatwave interventions will soon be insufficient to deal with the expected heat-related health burden.”
Ang 2023 ang pinakamainit na naitalang taon sa buong mundo at ang mga karagatan, na sumisipsip ng 90 porsiyento ng sobrang init na dulot ng mga emisyon ng carbon dioxide, ay uminit din.
Banggit pa sa report, “Average sea surface temperatures in Europe were the warmest on record, with a severe marine heatwave in part of the Atlantic Ocean described as beyond extreme.”
Ang mga glacier sa lahat ng bahagi ng Europa ay nababawasan na ng yelo, habang ang Greece ay dumanas ng pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng EU.
Ang 2023 ay isa rin sa ‘wettest years’ sa Europa, na may malaking pagbaha na nakakaapekto sa 1.6 milyong tao, at ang mga bagyo ay nakaapekto naman sa 550,000.
Ayon pa kay Emerton, “Economic cost of these extreme events was 13.4 billion euros ($14.3 billion) — about 80 percent attributed to flooding.”