European leaders nagpakita ng suporta sa Ukraine

Leaders from NATO and the European Union meet in London to support Ukraine [Justin Tallis/Pool via Reuters]
Sa isang summit sa London dalawang araw matapos ang naganap na sagutan sa pagitan ni Volodymyr Zelenskyy at U.S. President Donald Trump at makaraang maputol agad ang pagbisita nito sa Washington, nag-alok ng malakas na suporta ang European leaders sa Ukrainian president at nangakong gagawa pa ng mga hakbang upang matulungan ito.
Nagkasundo ang European leaders na kailangan nilang gumugol pa para sa depensa upang ipakita kay Trump na kaya ng kontinente na ipagtanggol ang sarili nito, at iminungkahi ng European Commission chief na maaari nilang bawasan ang mga tuntunin na naglilimita sa debt levels.
Sinabi ni UK Prime Minister Keir Starmer, na ang Britain, Ukraine, France at iba pang mga bansa ay bubuo ng isang “coalition of the willing” at lilikha ng isang peace plan na dadalhin kay Trump.
Aniya, “This is not a moment for more talk. It’s time to act. Time to step up and lead and to unite around a new plan for a just and enduring peace.”
Hindi naman nagbigay ng detalye ang EU leaders tungkol sa kanilang plano, pero bago ang summit ay sinabi ni French President Emmanuel Macron na nakapaloob sa plano ang isang one-month ceasefire na aplikable sa air at sea attacks ngunit hindi sa ground combat.
Ayon kay Macron, idi-deploy ang European troops kapag nagkaroon ng isang mas malaking kasunduan sa kapayapaan, pero hindi malinaw kung sumang-ayon ba ang ibang mga bansa sa mga tuntuinin.
Pagkatapos naman ng pulong ay sinabi ni Zelenskyy na umalis siya ng London nang may “malinaw na suporta ng Europe” at kahandaang makipag-cooperate.
Aniya, “There will be diplomacy for the sake of peace. And for the sake of us all being together – Ukraine, all of Europe and definitely, definitely America.”