European Union grants sa Pilipinas, pina-hold ni Pangulong Duterte sa DFA
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na huwag tanggapin ang mga grants na galing sa European Uniono EU.
Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang tanggapin ang tulong ng EU dahil sa pakikialam ng mga ito sa panloob ng problema ng bansa.
Ayon sa Pangulo isa sa pangunahing bumabatikos ang EU sa kampanya ng pamahalaan sa ilegal na droga na ininakabit sa isyu ng extra judicial killings at human rights violations.
Inihayag ng Pangulo na nakikialam ang EU sa internal affairs ng bansa dahil nagbibigay sila ng financial assistance sa Pilipinas.
Ang pagtanggi sa EU grants na may kondisyon ay magiging bahagi ng foreign policy ng Duterte administration.
Ulat ni Vic Somintac