Eurovision winners ng Ukraine, ipina-auction ang kanilang trophy para sa army
Ipina-auction ng Kalush Orchestra ng Ukraine na nanalo ng Eurovision ngayong taon, ang kanilang trophy para sa $900,000 donation sa isang foundation na tumutulong sa Ukrainian army.
Ang trophy – isang malaking crystal microphone na may logo ng paligsahan – ay ipina-auction sa Facebook.
Ang bidding ay natapos noong Sabado ng gabi, na pinanalunan ng WhiteBIT, isang Ukrainian bitcoin company.
Ayon sa Facebook post ng Kalush Orchestra noong Linggo kasabay ng announcement ng winning bidder . . . “You guys are amazing! Special thanks to the WhiteBIT team who bought the trophy for $900,000 (837,000 euros) and are now the rightful owners.”
Sinabi ng banda na ang mga pondong natipon sa auction, na maaaring ipasok gamit ang cryptocurrencies, ay ido-donate sa Prytula Foundation, na tumutulong sa Ukrainian army.
Ang grupong Kalush Orchestra ay nagwagi sa European contest noong May 14 sa pamamagitan ng kanilang entry na “Stefania,” na pinaghalong hip-hop at traditional music.
Ang Russia, na sumalakay sa Ukraine noong February 24, ay hindi isinali sa kompetisyon.
© Agence France-Presse