Evacuation sa Kabul inihinto na ng Spain
MADRID, Spain (AFP) – Itinigil na ng Spain ang evacuation mula sa Kabul, halos isang linggo matapos nitong ilikas ang kaniyang mga mamamayan sa harap ng pagtake-over ng Taliban sa Afghanistan.
Ayon sa Spanish government . . . “A military A400 plane arrived in Dubai from Kabul at 7:20am. A second is due to land at 8:20am. With these two flights, the Spanish evacuation of its Afghan collaborations and their families has been completed.”
Lulan ng dalawang flights ang 81 Spanish citizens kabilang ang embassy personnel, army at navy troops, Portuguese troops at 83 Afghans na nagtatrabaho para sa Spain, Portugal, at NATO.
Ngayong hapon ay dadalhin ang mga ito sa military base sa Torrejon de Ardoz malapit sa Madrid, sakay ng isang Air Europa plane.
Sa kabuuan, ang Spanish armed forces ay nakapaglikas na ng 1,898 Afghans, mga empleyado at kanilang pamilya na nagtatrabaho para sa Spain, United States, Portugal, European Union, United Nations at NATO, maging ang staff ng Spanish embassy sa Kabul.
Ginamit ng Madrid ang military planes para ibiyahe ang evacuees sa Dubai, kung saan ililipat naman sila sa commercial flights patungong Europe.
Pumayag ang Spain na tanggapin ang hanggang 4,000 Afghans na ibibiyahe ng US sa airbases sa Rota at Moron de la Frontera sa southern Spain.
Sa ilalim ng kasunduang nilagdaan ng Madrid at Washington, ang mga evacuee ay maaaring manatili sa airbases, na kapwa ginagamit ng US at Spain, ng hanggang 15 araw.
Agence France-Presse