‘Everything Everywhere All at Once,’ nanguna sa Oscar nominations
Nanguna sa Oscar nominations ang surreal sci-fi na “Everything Everywhere All At Once” dahil mayroon itong 11, ngayong pormal nang sinimulan ng Hollywood ang kumpetensiya sa Academy awards.
Sinundan ito ng German anti-war movie na “All Quiet on the Western Front” at ng Irish black comedy na “The Banshees of Inisherin,” na bawat isa ay mayroong siyam na nominasyon mula sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences.
Gaya ng inaasahan, binigyan din ng reward ng mga botante sa Academy ang mga blockbuster gaya ng “Top Gun: Maverick” ni Tom Cruise at “Avatar: The Way of Water,” dahil nakatulong ito upang mapabalik sa mga sinehan ang mga manonood pagkatapos ng pandemya.
Ang dalawang pelikula ay kapwa nominated para sa best picture, ang pinakamahalagang award sa Oscars, ngunit hindi napasama ang isa pang crowd-pleaser, ang “Black Panther: Wakanda Forever.”
Ang natitira pang best picture slots ay napunta naman sa rock-and-roll biopic na “Elvis,” ang quasi-memoir na “The Fabelmans” ni Steven Spielberg, ang latest tour-de-force “Tar” ni Cate Balnchett, ang Cannes festival winner na “Triangle of Sadness” at ang literary adaptation na “Women Talking.”
Ang absurdist indie film na “Everything Everywhere All At Once” ay naging isang napakalaking ‘word of mouth hit’ at kumita ng higit $100 million sa buong mundo.
Si Michelle Yeoh naman ang naging pangalawang Asian woman na na-nominate para sa lead actress sa 95 na taong kasaysayan ng Oscars, at makakalaban niya sa kategoryang ito ang dalawang beses nang nanalo ng Oscar na si Blanchett.
Subalit mayroong kontrobersiya sa lead actress category, dahil walang nominadong Black women, kahit na nakikitang frontrunners dito sina Viola Davis (“The Woman King”) at Danielle Deadwyler (“Till”).
Sa iba pang individual categories, sina Brendan Fraser (“The Whale”), Colin Farrell (“The Banshees of Inisherin”), at Austin Butler (“Elvis”) ang malinaw na mga paborito para sa best actor.
Ang natitira pang mga nominasyon ay napunta kina Paul Mescal ng “Aftersun” at Bill Nighy ng “Living.”
Sa best supporting actress category, si Angela Bassett ang naging kaunahang artista sa isang Marvel superhero movie na nakakuha ng Oscar acting nomination para sa “Black Panther: Wakanda Forever.”
Sa kaniya namang pagsasalita bago ang mga nominasyon, sinabi ni Variety senior awards editor Clayton Davis na isa ito sa pinaka ‘unpredictable Oscars races,’ na ang ilang bahagi ay dahil sa kamakailan ay lubhang pagdami sa bilang ng international Academy voters.
Ang sci-fi epic na “Avatar: The Way of Water” ni James Cameron, na kumita na ng lampas sa $2 billion mark sa buong mundo noong nakaraang linggo, ay nakakuha ng apat na nominasyon kabilang ang best picture, production design, sound at visual effects.
Ang “Top Gun: Maverick” naman ni Tom Cruise, na matagal nang pinakahihintay na sequel sa kaniyang 1986 big hit, at ipinalabas noong Mayo sa panahon ng kawalan ng katiyakan para sa movie theaters na kumita ng humigit-kumulang $1.5 billion, ay tumanggap ng anim na nominasyon, ang best picture, editing, song, sound, visual effects at adapted screenplay.
Sinabi ni Davis, “That’s the one that feels like it could actually win best picture. What better story the day after the Oscars air, than that the movie that saved movies was named the best movie? That’s a good story to tell.”
© Agence France-Presse