Evushield drug na dinivelop ng AstraZeneca bilang preventive treatment sa ilang kaso ng Covid, pinayagan na ng US
Pinayagan na ng US health authorities ang paggamit sa synthetic antibodies na dinivelop ng AstraZeneca para maiwasan ang Covid-19 infections, sa mga taong hindi maganda ang reaksiyon sa mga bakuna.
Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ang US Food and Drug Administration (FDA), ng emergency authorization para sa isang purely preventative treatment.
Babala ng FDA . . . “Evushield is ‘not a substitute for vaccination in individuals for whom Covid-19 vaccination is recommended’ and can only be authorized for people who have a weakened immune system or those who cannot be vaccinated for medical reasons, such a strong allergic reaction. In those cases, the drug can be administered to people aged 12 and up.”
Pinagsama sa Evushield ang dalawang uri ng mga sintetikong antibodies (tixagevimab at cilgavimab), at ibinibigay bilang dalawang intramuscular injection, isa pagkatapos ng isa. Tinutulungan ng mga antibodies na ito ang immune system na labanan ang virus sa pamamagitan ng pag-target sa spike protein na ginagamit ng virus para mapasok ang mga selula upang hawaan ang mga ito.
Ayon sa pahayag ng FDA . . . “The treatment ‘may be effective for pre-exposure prevention’ for six months. It cannot be administered to someone who is already infected with the virus, although AstraZeneca is testing it for such treatment.”
Kabilang sa maaaring maranasang side effects ang allergic reaction, pagdurugo sa injection site, sakit ng ulo at fatigue.
Ang FDA authorization ay ibinatay sa isang clinical trial na isinagawa sa mga taong hindi pa bakunado na lampas 59-anyos, o sa may chronic disease, o may high risk ng infection.
Ang gamot ay ibinigay sa 3,500 katao, habang 1,700 naman ang binigyan ng placebo. Lumitaw sa trial na ang treatment ay nakatulong na mabawasan ng 77% ang panganib na ma-develop ang Covid-19. (AFP)