Excise Tax sa sugary drinks, makababawas ng maraming uri ng sakit ayon sa Philippine Heart Association

Sampung piso ang ipapataw na tax sa bawat litro ng sugary beverages tulad ng soft drinks at iba pang kauri nito.

Ito ang nakasaad sa panukala ng gobyerno na Tax Reform for Accleration and Inclusion o Train Act.

Kaugnay nito, sinabi ng Philippine Heart Association o PHA na suportado nila ang   panukalang pagpapataw ng excise tax sa mga sugar-sweetened beverage.

Ayon sa PHA,  kung papatawan ng excise tax ang mga sugar sweetened beverage ay ma-oobliga ang mga manufacturer na bawasan ang sugar content sa kanilang mga produkto.

Binigyang diin pa ng mga eksperto sa sakit sa puso mula sa PHA na sa ganitong paraan ay mababawasan din anila ang mga sakit na tinatawag na Nob Communicable Diseases o NCD na tulad  ng obesity, diabetes, high blood pressure at sakit sa puso.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *