Excise tax sa Train Law, ipinasususpinde muna ng ilang Senador
Naalarma na ang mga Senador sa patuloy na pagtaas ng inflation rate na umabot na sa 6.4 percent.
Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian dahil tiyak aniyang tatamaan ang mahihirap na pamilyang pilipino sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na ang pagtaas ng bilihin ay isang malaking banta sa food security.
Sen. Gatchalian:
“The 6.4 percent inflation rate recorded in August – a nine-year high – is cause for alarm because of its potentially grave impact on poor and underprivileged Filipinos. Once again, food inflation is the main culprit, with food prices soaring at a rate of 8.5% over the past month. This poses a serious threat to the food security”.
Umapila si Gatchalian sa administrasyon na i-convene ang Counter Inflation Task Force at gumawa ng hakbang paano mapapababa ang inflation para maprotektahan ang mahihirap.
Dapat rin aniyang maging proyaoridad ng gobyerno ang pagresolba sa problema sa mataas na presyo ng bilihin.
Iginiit naman ni Senador Bam Aquino na walang ibang solusyon sa inflation kundi ang pagsuspinde sa ipinataw na excise tax sa mga produtkong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.
Sinabi ni Aquino na dapat gumising na ang mga economic managers ng administrasyon dahil nasa krisis na ang bansa.
Pinasesertipikahan rin nitong urgent ang Bawas Presyo Bill kung saan iro-rollbak ang excise tax sa petrolyo at mapigilan pa ang pagtaas nito pagpasok ng Enero.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: