Executive Order na nagbabawal sa ENDO, pinirmahan na ni Pangulong Dutertesa pagdiriwang ng Labor Day sa Cebu
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagbabawal sa ENDO o End of Contract para sa mga manggagawang pilipino.
Mismong sa pagdiriwang ng Labor Day sa Cebu City nilagdaan ng Pangulo ang EO kontra ENDO.
Sinabi ng Pangulo na limitado lamang at hindi sapat ang magagawa ng EO na kanyang pinirmahan para wakasan ang ENDO at kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.
Dahil dito umapela ang Pangulo sa dalawang kapulugan ng kongreso na magpatibay ng batas na tuluyang magbabawal sa ENDO.
Ayon sa Pangulo kailangang amyendahan ang kasalukuyang umiiral na Labor Code ng bansa para magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa sa kanilang trabaho.
Inihayag ng Pangulo na tumupad na siya sa kanyang pangako noong kampanya na wawalasan niya ang ENDO.
ulat ni Vic Somintac