Executive Secretary Salvador Medialdea, inalis ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng Rehabilitation task force ng pamahalaan
Hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang tututok sa rehabilitation efforts ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang mga kalamidad.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sina Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar at Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu na ang mangangasiwa sa Task force.
Sinabi ni Roque na binago ng Pangulo ang probisyon ng Executive Order na lumilikha sa Build Back Better Task Force batay sa scientific mechanism.
Inihayag ni Roque marapat na DPWH ang manguna sa rehabilitation ng pamahalaan dahil ang pinag- uusapan dito ay pagkukumpuni at paggawa ng mga nasirang tulay, lansangan at mga gusali na winasak ng bagyo.
Niliwanag ni Roque ang DENR naman ang mayroong expertise sa rehabilitasyon ng kalikasan na sinira ng illegal logging at mining.
Vic Somintac