Extension ng tax amnesty, isinusulong sa Senado
Target ng Senado na mai-endorso na sa Plenaryo ang panukalang batas para sa extension ng tax amnesty.
Nauna nang inaprubahan ng Senate Committee on Ways and Means ang panukala para sa pagtatapos ng amnestiya sa Hunyo ngayong taon.
Pero umaasa ang mga senador na maglalabas pa rin ng certification for urgency ang Malacañang para maging mabilis ang approval ng panukala sa third at final reading lalo’t mag-a-adjourn ang dalawang kapulungan sa June 2.
Umaasa ang senado nai-a-adopt ng Kamara ang kanilang bersyon para hindi na kinakailangang idaan sa Bicameral Conference Committee.
Sa bersyon ng Senado, bukod sa pagpapalawig sa panahon ng amnestiya, palalawakin na rin ang saklaw nito para maisama ang real estate tax na ipinamana hanggang noong nakaraang taon o 2021.
Nakapaloob rin ditto ang probisyon kung saan papayagan ang dalawang taong installment pay sa mga hirap na bayaran ng buo ang estate tax.
Meanne Corvera