Extradition request kay dating Cong. Arnie Teves muling pinaboran ng Timor Leste
Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinagbigyan ng korte sa Timor- Leste ang hiling ng Pilipinas na ma-extradite o mapabalik ng bansa si dating Congressman Arnolfo Teves, Jr., na nahaharap sa mga kasong murder.
Batay sa pahayag ng Department of Justice (DOJ), “The Department of Justice is extremely grateful to Timor Leste for ruling again in favor of the extradition request of the Philippines to bring back home Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., to face the murder charges lodged against him before a Manila court for the killing of former Governor Raul Degamo and several others.”
Ayon sa (DOJ), ang pagpabor ng Timor- Leste sa ikalawang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas ay nagpapatunay na hindi ito nagkamali sa naunang ruling nito.
Nagsagawa ng ikalawang round ng extradition hearing kasunod ng pagtutol ng kampo ni Teves sa pagpayag ng korte na ma-extradite ito.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na isang tagumpay ito sa mga Pilipino at patunay sa commitment ng pamahalaan na makamit ang hustisya.
Nakasaad pa sa pahayag ng DOJ, “Fortunately, the judicial system of Timor Leste Court has been consistent with the tenets of fair play and justice considering the positive development in this case.”
“To reiterate, the Philippine government as a party in this case, highly commends the legal process of Timor Leste for displaying the efficiency of their justice system.”
Moira Encina-Cruz