F2F dialogue sa gusot sa West Philippine Sea, Inirekomenda
Hinimok ni Senador Elect Alan Peter Cayetano ang susunod na administrasyon na magsagawa ng face to face diplomacy sa sigalot sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Cayetano na nagsilbi ring kalihim ng Department of Foreign Affairs,maaaring personal na makipag-usap si President Elect Bongbong Marcos kay Chinese President Xi Jinping para ilatag ang isyu.
Mas makabubuti aniya ang face to face diplomacy sa halip na magsagutan ang Pilipinas at China.
Nitong June 9 naglabas ng pahayag ang DFA na nagsabing iligal at lumilikha ng instability ang ginagawang paglalayag ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef .
April 4 naman nang mamataan ang may isandaang barko ng China na nakapalibot sa isla dahilan kaya muling naghain ng protesta ang Pilipinas.
Ayon sa Senador, hindi mareresolba ng dahas ang sigalot at dapat kumilos ang administrasyon para magkaroon ng mapayapang solusyon hinggil dito.
Meanne Corvera