Face recognition gadget para sa pusa
Upang matiyak na hindi na maghihintay ng matagal sa pintuan ang kanilang alagang pusa bago makapasok sa bahay, isang Dutch engineer ang bumuo ng isang face-recognition gadget para ma-identify ang pusa at mag-send naman ng message sa kaniya upang papasukin na niya ang pusa.
Si Arkaitz Garro, isang wetransfer software engineer sa Holland ay walang cat-flap sa kaniyang pintuan kaya kapag gusto nang pumasok sa bahay ng kanilang pusa ay naghihintay pa ito hanggang sa mapansin niya o kaniyang asawa na nasa pintuan ito.
Dahil dito, nagpasya siya na gamitin ang kaniyang kakayahan para lutasin ang problema.
Sa halip na maglagay ng cat-flap, mas high-tech na solusyon ang naisip ni Garro.
Ito ay sa pamamagitan ng isang artificial intelligence, motion-detection sensors, face recognition software at isang messaging app.
Ayon kay Garro, ilang oras lang aniya niyang natapos ito.
Ang device na nabuo ni Garro ay gawa sa isang Raspberry mini-computer na mayroong camera na nagsisilbing motion-detection at image-recognition AI software, para automatic na ma-identify ang pusa at pagkatapos ay magpaapdala ito ng mensahe kay Garro na “open the door”, para papasukin na ang pusa sa pamamagitan ng slack messaging app.
===========