Facebook, kumita ng $9B sa kabila ng kinakaharap na kontrobersya

Photo: KIRILL KUDRYAVYSEV / AFP

Inanunsiyo ng Facebook na kumita ang kumpanya ng siyam na bilyong dolyar, ilang oras makaraang ilabas ng isang US news collective ang mga ulat, na mas mahalaga sa Facebook ang kumita kaysa kapakanan ng publiko.

Matatandaan na nagpanukala ang US ng regulasyon laban sa Facebook, makaraang lumutang ang whistleblower na si Frances Haugen na dating empleyado ng kumpanya, na nagpakita ng mga dokumento na nagsasabing alam ng mga executive ang panganib na dala ng site.

Ayon sa kumpanya, kumita sila ng siyam na bilyong dolyar at naragdagan din ng 2.91 billion users, ilang oras makaraang mapaulat na may kinalaman ang social media platform sa pagkalat ng hate speech sa vietnam.

Ayon kay US Senator Richard Blumenthal . . . “These damning documents underscore that Facebook leadership chronically ignored serious internal alarms, choosing to put profits over people.”

Kabilang ang The New York Times, The Washington Post at Wired sa nakatanggap ng access sa internal Facebook documents na unang ibinigay ni Haugen sa mga awtoridad, na naging basehan naman ng report ng Wall Street Journal.

Iginiit ni Haugen sa US lawmakers na inuuna ng kumpanya ang sariling kapakanan kaysa kaligtasan at seguridad ng users nito.

Ayon kay Haugen . . . “Facebook has been unwilling to accept even little slivers of profit being sacrificed for safety, and that’s not acceptable.” (AFP)

Please follow and like us: