Facebook, muling nakaranas ng global outage
Muli na namang nakaranas ng global outage ang Facebook, dahil kahapon (Biyernes) ay ilang oras na namang hindi maka-access ang users bunsod ng isang tweak sa kanilang system.
Ayon sa isang tagapagsalita ng Facebook . . . “Sincere apologies to anyone who wasn’t able to access our products in the last couple of hours. We fixed the issue, and everything should be back to normal now.”
Pahayag ng social network, ang problema ay sanhi ng isang configuration change sa kanilang computing platform, at sinabing naapektuhan nito ang global users ng Facebook at Instagram, Messenger at Workplace.
Matatandaan na noong Lunes ay daan-daang milyong katao ang hindi maka-access sa Facebook, Instagram o WhatApp sa loob ng higit anim na oras.
Sa kaniyang blog post na humihingi ng paumanhin, sinabi ni Santosh Janardhan, vice president of infrastructure ng Facebook . . . “The outage is caused by configuration changes on routes that coordinate network traffic between data centers.”
Iniisip naman ng Cyber experts na ang problema ay may kinalaman sa tinatawag na BGP o Border Gateway Protocol, ang system na ginagamit ng internet para kunin ang pinakamabilis na route para sa pagpapaikot ng mga impormasyon.
Ikinumpara naman ni Sami Slim ng data center company na Telehouse ang BGP, sa internet equivalent ng air traffic control.
Aniya . . . “In the same way that air traffic controllers sometimes make changes to flight schedules, Facebook did an update of these routes.”
Subalit ang naturang update ay nagtataglay ng crucial error.
Hindi pa malinaw kung bakit o paano, ngunit ang routers ng Facebook ay nagpapadala ng mensahe sa internet na nag-aanunsiyong hindi na eksistido ang servers ng kompanya.
Ayon sa Facebook, ang outage na nangyari kahapon ay walang kaugnayan sa nangyari noong Lunes.
Ayon sa mga eksperto . . . “Facebook’s technical infrastructure is unusually reliant on its own systems.”
Batay naman sa website builder na ToolTester . . . “Social media outages are not uncommon, Instagram alone has experienced more than 80 in the past year in the US.
Ang mga serbisyo ng Facebook ay krusyal para sa maraming mga negosyo sa buong mundo, at karaniwan ding Facebook ang ginagamit sa pag-log in sa iba pang websites.
Ang mga app ng Facebook ay ginagamit ng bilyun-bilyong katao kada buwan, kayat napakalaking bahagi ng populasyon ng mundo ang apektado ng nasabing outages.