Factory output ng China at retail sales mahina dahil sa anino ng Covid-19
Lumitaw sa opisyal na datos nitong Miyerkoles, na namalaging mahina ang factory output at retail sales ng China noong Mayo, kung saan ang hindi masyadong mataas na demand at ang nariyan pa ring Covid restrictions ay nagpapahina sa paglago ng pangalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa mundo.
Ipinatutupad pa rin ng gobyerno ang isang zero-Covid strategy para pigilan ang mga cluster sa sandaling may lumitaw, subali’t naging sanhi naman ito para maharap ang mga kompanya at consumers sa dagliang lockdowns na nakapipinsala sa ekonomiya.
Sinabi ng National Bureau of Statistics (NBS), na ang retail ay bumagsak ng 6.7 percent noong Mayo, bagama’t matatawag pa ring improvement mula sa 11.1 percent na pagbagsak noong Abril.
Bahagya rin iyong maganda kaysa forecasts mula sa mga analyst.
Ayon kay NBS spokesman Fu Linghui . . . “In May, our economy gradually overcame the adverse impact of the pandemic. But we also have to see that the international environment has become more complex and severe, and the domestic economic recovery still faces many difficulties and challenges.”
Ito na ang ikatlong sunod na buwan ng pag-urong sa retail sales, ayon sa opisyal na data, na nagmumungkahi na naghihigpit na ng budget ang consumers sanhi ng patuloy na banta ng lockdowns.
Ang industrial production ay tumaas ng 0.7 porsiyento pagkatapos bumagsak ng 2.9 porsiyento noong Abril, habang ang antas ng kawalan ng trabaho sa lungsod ay bumaba sa 5.9 porsiyento.
Ang Shanghai, na pinakamataong lungsod ng China, ay nagsimulang bumangon mula sa dalawang buwang lockdown, na nagbigay ng sigla sa ekonomiya.
Ngunit ang mga tagamasid ay nananatiling maingat dahil sa isang malaking pag-urong sa property sector, at pag-aatubili ng gobyerno ng China na lumipat ng estratehiya at hindi na ang zero-Covid.
Ayon sa pinakahuling report ng Nomura analysts . . . “We would view this as only a respite, rather than a turning point.”
© Agence France-Presse