Farm gate price ng palay sa bansa itinaas na ng NFA sa 19 pesos hanggang 20 pesos kada kilo
Itinaas na ng National Food Authority o NFA ang buying price ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Sinabi ni NFA Administrator Atty. Juvy Danzal mula sa dating 16 pesos hanggang 17 pesos kada kilo ng palay ay ginawa na itong 19 pesos hanggang 20 pesos.
Ayon kay Danzal nasa 4 to 5 percent lamang ng total production ng palay ngayong harvest season ang kayang bilhin ng NFA at ang natitirang 95 percent ay bibilhin ng private rice traders.
Ang pamimili ng mga private rice trader sa mga locally produced na palay ay alinsunod sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng mga rice traders at NFA.
Inihayag ni Danzal na hindi muna mag-aangkat ng bigas ang Pilipinas ngayong harvest season hanggat hindi nabibili ang lahat ng mga locally produced na mga palay na tinatayang aabot sa 800 thousand metric tons ang total palay production sa buong bansa.
Ang pagbili ng NFA at private rice traders ng locally produced na palay ay alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga lokal na magsasaka.
Vic Somintac