Fashion at film pinagsanib sa Paris haute couture week
Nagkaroon ng kakaibang tanawin sa Paris sa ikalawang yugto ng fashion week, matapos ang mga nangyaring kaguluhan doon.
Mula sa shooting ng isang pelikula sa Opera Garnier hanggang sa Chanel catwalk sa kahabaan ng Seine, naging sentro sa ikalawang araw ng haute couture week ang karangyaan at craftsmanship.
Sinabi ng designer na si Virginie Viard, na ang mga model ng Chanel ay pumarada sa tabi ng River Seine na ang background ay ang Eiffel Tower. Ilan ay may kasamang maliliit na aso at ang ilan ay may dalang flower baskets.
Chanel’s show took place alongside the River Seine / AFP
Pinaghalo ni Viard ang tweeds, silk muslins, organzas, lace sa floral at graphic motifs. Sinamahan din niya ito ng matitingkad na mga kulay gaya ng pink.
Sa Opera Garnier naman, ang 19th-century monument, ay nagsagawa ang couturier na si Stephane Rolland ng isang pabulosong palabas na sabay ding kinunan ng beteranong filmmaker na si Claude Lelouch para sa susunod niyang pelikulang “Finalement.”
Ang palabas ay isang parangal sa mang-aawit na Griyegong si Maria Callas, na ang boses ay naririnig bilang background sa buong palabas, na naglalayong buhayin ang isa sa kanyang pinaka-maalamat na pagtatanghal sa Opera Garnier noong Disyembre 1958.
A model at the Stephane Rolland show at the Opera Garnier / AFP
Kilala si Rolland sa paggamit ng matingkad na mga kulay, gaya ng matingkad na dilaw na ginamit niya nang bihisan ang singer na si Pretty Yende para sa koronasyon ni King Charles III kamakailan.
Subalit sinabi niya, “In the heart of the Palais Garnier, ‘I didn’t want to disturb the scenery with pinks, yellows and greens’ and so I stuck mostly to black, white and a few flashes of deep red.”
Ang mga aktor ay nakihalubilo sa mga guest para sa isang upcoming movie mula kay Lelouch, na mas nakilala para sa kaniyang Oscar-winning 1966 film na “A Man and a Woman”.
Ayon kay Rolland, “The director’s request to film during the show was ‘like a gift from heaven.’ It’s very important in our profession. I find that from time to time it lacks a bit of refinement. Money is not everything.”
Rolland’s show was an homage to Maria Callas / AFP
Nagtanghal din ang French designer na si Alexis Mabille, na lumikha ng pambabaeng estilo ng tuxedo.
Hindi rin nawala ang marangyang pagpapakita ng mga gawa ng pamosong si Giorgio Armani, na kinatampukan ng mga ballgown na napalalamutian ng iba’t ibang uri ng bulaklak na poppy at rosas.
Kilala ang Italyanong designer sa paggamit ng kulay na pula, kaya’t ito ang kulay kahit ng damit pangkasal sa finale ng kaniyang palabas.