FDA inaprubahan na ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa 12 anyos pataas
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang hiling ng Pfizer BioNtech na maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization upang magamit ang kanilang COVID 19 vaccine sa mas mababang edad.
Ayon sa FDA, matapos ang ginawang pag- aaral ay inaprubahan nila na magamit narin ang COVID 19 vaccine ng Pfizer sa mga batang nasa edad 12 hanggang 15anyos.
Batay sa nakasaad sa amended EUA ng Pfizer ang pagitan ng pagturok ng una at pangalawang dose ng bakuna ay 3 linggo.
Pero kahit naman aprubado na ng FDA na magamit sa mga bata ang Pfizer vaccine, nilinaw ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na hindi parin nababago ang kanilang prioritization sa pagbabakuna.
Sa ngayon limitado parin aniya ang suplay ng bakuna sa bansa.
Kaya naman prayoridad parin aniya nila ang mga nasa vulnerable population.
Batay aniya sa general consensus ng vaccine experts, rerebisahin ang pediatric at adolescent vaccination sa oras na stable na ang supply ng bakuna sa bansa.
Madz Moratillo