FDA may paalala sa tamang handling ng mga irerecall na bakuna para maiwasan ang wastage
Nagpaalala ang Food and Drug Administration hinggil sa tamang “handling” ng COVID-19 vaccines na kasama sa planong irecall o ire-allocate ng gobyerno.
Paliwanag ni FDA Director General Eric Domingo, kailangan na tama ang pangangalaga sa mga bakuna lalo sa pagbiyahe nito para maiwasan ang pagkasira ng bakuna at magkaroon ng wastage.
Una rito, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na maaaring kunin ang mga bakuna na nauna nang ipinadala sa mga malalayong lugar na may mababang COVID-19 cases at hindi pa nagagamit, upang maibalik sa Metro Manila at maiturok na sa ibang nangangailangan.
Nilinaw naman ni Domingo na ang redeployment ng mga bakuna ay depende sa pangangailangan sa mga lugar.
Sa NCR naitatala ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 infection.
Madz Moratillo