Federal Constitution, malabong pumasa sa Senado

Imposible umanong makalusot sa Senado ang panukalang Federal Constitution ng Malacañang.

Inamin ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri na apat sa 23 Senador ang pabor na baguhin ang kasalukuyang sistema ng gobyerno.

Katunayan, bukod sa kaniya, tanging sina Senate President Vicente Sotto, Senators Aquilino Pimentel at Manny Pacquiao ang sumusuporta sa isinusulong na Federal Constitution.

Mayorya aniya sa kaniyang mga kasamahan ang pabor na amyendahan ang Saligang Batas pero tutol na magsagaw ang total overhaul gaya ng nais mangyari ng Consultative Committee na naatasang mag-review ng 1987 Constitution.

Bago maamyendahan ang Konstitusyon, mangangailangan ng three fourth votes o katumbas ng labingwalong boto ng mga Senador.

Pero sabi ni Zubiri, imposible itong mangyari dahil labimpito lamang ang miyembro ng majority block.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *