Federer magdo-donate ng USD500-K para sa mga kabataan sa Ukraine
Sa gitna ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, sinabi ni Roger Federer na magdo-donate ang kaniyang foundation ng US$500,000 para makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga kabataang Ukrainian.
Aniya . . . “We will provide support to children from Ukraine – around six million Ukrainian children are currently out of school and we know it is an extremely important time to provide access to education and we want to support them in dealing with this extremely traumatic experience to deal with.”
Dagdag pa niya . . . “Through the Roger Federer Foundation we will be supporting War Child Holland with a donation of $500,000 to establish access to continued schooling for Ukrainian children.”
Ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, na nagsimula noong Peb. 24, ay umani ng pagkondena sa maraming mga bansa sa mundo, na humantong sa mga paghihigpit sa pananalapi sa Moscow, at nag-udyok sa isang exodus ng global firms mula sa Russia.
Hindi bababa sa 816 mga sibilyan ang namatay at 1,333 ang nasaktan sa Ukraine. Simula nang mag-umpisa ang giyera, ayon sa United Nations (UN), at binanggit na malamang na ang bilang ay mas mataas pa.
Higit 3.27 milyong katao na rin ang lumikas patungo sa mga katabing bansa, ayon sa UN refugee agency.