Fiber glass na Philippine flag ibabaon sa Philippine Rise kasabay ng paggunita sa Independence Day
Maglalagay ng underwater Philippine flag ang militar sa Benham Rise, na ngayong ay kilala na bilang Philippine Rise, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ngayong araw.
Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, Spokesman ng Armed Forces Northern Luzon Command, layunin ng aktibidad na ito na ipakita ang patriotic ownership sa maritime zone at strategic value ng Pilipinas sa nasabing lugar.
Ibabaon ng mga military diver ang flag, 54 meters below sea level sa isang cement foundation.
Gawa sa fiberglass ang naturang Philippine flag habang ang poste ay gawa sa stainless steel.
Ngayong araw ay ipagdiriwang ng Pilipinas ang ika-119 Independence Day.