Fidget Spinner sa Japan na tumatagal ang ikot ng mahigit sa sampung minuto

 

Ang Saturn Spinner ay gawa ng Precision Machining Company na NSK na kayang umikot ng 12 minuto.

Ang  tinaguriang “rolls royce of fidget spinners”,na ito ay ginamitan ng espesyal na ball bearings na ginagamit din sa paggawa ng satellites at computer drives.

Ang disenyo nito ay parang isang boat wheel at mayroong aluminum ball bearing sa gitna nito na nagpapabilis sa takbo nito.

Sa sobrang bilis nito kinakailangan pang magsuot ng safety gears ang mga manggagawa sa paktorya nito sa Fujisawa.

Ayon kay Toshikazu Ishii, President ng NSK Micro precision na ang kanilang spinner ang pinakamabilis sa buong mundo ngayon.

Nagkakahalaga ito ng 17,280 yen o $157 US dollars at nakatakdang ilabas sa publiko sa mga susunod na araw.

Ulat ni: Violy Escartin

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *