Fil-Am group naglunsad ng ‘troll exposer’ website para labanan ang disinformation bago ang halalan sa May 9

Facebook said it linked those behind the Philippine network to the military and the police while the Chinese network posted about several topics including content supportive of President Rodrigo Duterte and Sarah Duterte’s potential run in the 2022 Presidential election. AFP

Isang grupo ng dual citizens ng Pilipinas at Estados Unidos, ang naglunsad ng isang website na maglalantad o bibisto sa mga troll na nangunguna sa pagpapakalat ng maling impormasyon na lubhang makaaapekto sa halalan.

Ang TrollExposer.com ay inilunsad nitong Lunes ng US Filipinos for Good Governance (USFGG), isang website na tututok sa paglalantad ng troll pages, accounts, at mga grupo sa Facebook.

Ayon kay Eric Lachica, Washington DC Coordinator ng USFGG . . . “Our country has become extremely polarized through vigorous troll activity… We hope it is not too late to detoxify the minds and hearts of our people. Trolls have found fertile ground in weakly regulated social media to saturate the public with disinformation. These lies have been allowed to spread through Facebook for years. Having the presidency decided based on lies that re-write history and hide the fact that much of this troll activity is state-sponsored would be a tragedy.”

Sinabi ng USFGG, na tinutustusan ng mga tiwali, makapangyarihan, at mayayamang pulitiko ang troll armies para sa paparating na halalan, na “madalas sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas at mga dayuhang sponsor ng estado, tulad ng China.”

Ayon kay Liz Derr, founder ng Troll Exposer . . . “Fact-checkers and efforts by social media platforms to limit disinformation have not been enough to stop it. Troll Exposer is a new weapon in the arsenal against disinformation. Rather than focusing on content, Troll Exposer publicly exposes the social media accounts that are spreading this harmful disinformation so everyone can see who these liars are.”

Nagbibigay ang TrollExposer.com ng pagsusuri sa mga network at aktibidad ng troll, at ang mga direktang link sa mga Facebook account ng troll upang ma-explore ng publiko ang mga page ng mga troll mismo.

Aniya . . . “Now people don’t need to trust sources they might view as biased. People are desperate to understand what news can be trusted, who they can believe, and what can be done to save our democracies from further division.”

Sinabi ng grupo na ang pamamaraang ito ay nagbibigay-daan sa mga mambabasa na gumawa ng sarili nilang pananaliksik upang matuklasan ang mga aktibidad ng mga troll, at malaman kung ang nilalaman ng nababasa nila online ay resulta ng isang palihim na maimpluwensyang operasyon, sa halip na mga tunay na salaysay mula sa mga totoong tao.

Sinabi naman ni Loida Lewis, USFGG National chair . . . “If we can’t get social media platforms to enforce their own community standards, then we need to act ourselves. It is the right of every person to defend themselves from being manipulated by false information. The spread of harmful disinformation, manipulated narratives, and false propaganda needs to stop. We’re calling on Mark Zuckerberg and Meta/Facebook to immediately take down these fake posts and disable the trolls identified in TrollExposer.com, to reduce the disinformation on his platform in the lead up to the May 9th election.”

Pahayag pa ng USFGG, na ang maling mga salaysay at propaganda na ipinakakalat ng mga troll sa social media, ay nagbibigay-daan sa mga diktador at kleptokrata na pahinain ang mga demokrasya sa buong mundo.

Please follow and like us: