Filing ni SAP Bong Go , hindi maituturing na VIP treatment – Sotto
Dumepensa si Senate President Vicente Sotto sa umanoy VIP treatment na ibinigay ng Commission on Elections kay Special Assistant to the President Bong go kaugnay ng kaniyang paghahain ng COC kahapon.
Ayon kay Sotto, walang magagawa ang Comelec kundi payagang pumasok ang lahat ng kasama ni Bong Go dahil kasama nito ang pangulo.
Hindi naman aniya maaring pigilan ang mga PSG o mga cabinet member na nag escort kay Pangulong Duterte.
Nauna nang umalma ang ilang kandidato matapos payagan ang sangkatutak na bitbit ni Bong Go gayong lima katao lang ang pinayagan sa iba pang kandidato.
Samantala, pinasinayaan kanina ni Sotto kasama ang iba pang senador ang bagong legacy of gallery sa senado
Sa mga larawan makikita ang naging trabaho ng mga senador na miyembro ng 17th congress.
Ulat ni Meanne Corvera