Filing of Certificate of Candidacy para sa BSKE aarangkada na sa Agosto 28 – COMELEC

Sa lunes, Agosto 28, ay aarangkada na ang filing ng certificate of candidacy para sa mga nais kumandidato sa barangay at sangguniang kabataan elections.

Para maiwasan ang kalituhan sa 10 embo barangays na dating nasa ilalim ng makati at ngayo’y nailipat na sa taguig, nagpaalala si Comelec Chairman George Garcia sa mga kakandidato na sa taguig na sila maghahain ng coc.

Paliwanag ni Garcia, naglabas na ng kautusan ang Comelec na inililipat na nila sa taguig ang pangangasiwa sa mga botante mula sa nasabing barangay kasunod ng desisyon ng korte suprema sa territorial dispute ng dalawang lungsod.

Ngayong kumilos na ang Comelec at Department of Education sa sigalot ng dalawang lungsod…payo naman ni prosecutor Darwin Canete na magtulungan na ang mga lider ng makati at taguig.

Partikular na tinukoy niya si Mayor Abi Binay na sana ay makipag-cooperate na sa taguig para sa interes ng mga apektadong residente.

Inihalimbawa ni Canete ang naging maayos na brigada eskwela sa 10 embo barangay na naging mainit naman ang pagtanggap ng mga guro at estudyante sa kanilang bagong alkalde.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *