Elderly Filipino Week, ginugunita; Webinar series : “Healthy Habits This Pandemic Crisis”
Taun-taon tuwing sumasapit ang Oktubre 1 hanggang 7 ay ginugunita ang Elderly Filipino Week o ang Katandaang Pilipino.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 470, series of 1994.
Layunin nito na bigyang-diin ang kahalagahan ng sektor ng mga nakatatandang tao.
Kaugnay nito, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa upang ipadama sa mga elderly ng lungsod ang pagmamahal at pagkalinga sa kanila.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office for the Senior Affairs ng Quezon city.
Sunod sunod na webinar ang isinagawa ng nabanggit na tanggapan kung ang saan ang tema ay “Healthy Habits This Pandemic Crisis”.
Ilan sa topic na tinalakay sa nakalipas na webinars ay Tips in Managing your Finances during Pandemic, Teking Lolo at Lola sa Panahon ng Pandemic, at Sa Araw Na.
Bilang ikatlong araw ng paggunita sa Elderly Filipino week, tatalakayin naman ang paksang Building Inner Piece and Resilience during Pandemic.
Belle Surara