Financial assistance fund ng DSWD sa mga mahihirap na mamamayan ngayong 2022 halos 100 percent ng naipamahagi
Nasa final stage na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa disbursement ng pondo sa financial assistance para sa mga mahihirap na mamamayan.
Ito ang report ng DSWD sa pamamagitan ni Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez.
Ayon kay Lopez sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps nasa 99.37 percent ng naibigay sa 4.1 milyong beneficiaries ang pondong 107 billion pesos.
Sinabi ni Lopez sa Sustainable Livelihood Program o SLP nasa 122, 925 families ang naserbisyuhan ng DSWD mula sa 157,102 target households na may pondong 4.3 billion pesos.
Inihayag ni Lopez sa Kalahi Sids Community Base Program ng DSWD umaabot sa 3,663 projects ang naipatupad na may pondong 4.2 billion pesos na pinakinabangan ng 1.624 milyong households mula 13,970 na barangay sa 15 rehiyon at 63 probinsiya.
Vic Somintac