Finland pinarangalang pinakamasayang bansa sa buong mundo sa ikalimang sunod na taon
Sa ikalimang sunod na taon ay pinangalanan ang Finland bilang pinakamasayang bansa sa buong mundo, sa isang annual United Nations (UN) sponsored index, habang ang Afghanistan naman ang pinangalanang pinaka hindi masaya, na sinusundan ng Lebanon.
Ang Serbia, Bulgaria at Romania ang nakapagtala ng biggest boosts sa wellbeing. Ang pinakamalaki naman ang ibinagsak sa World Happiness table, na inilabas nitong Biyernes ng Lebanon, Venezuela at Afghanistan.
Ang Lebanon, na nahaharap sa economic meltdown, ay bumagsak sa ikalawa mula sa pinakakulelat sa index ng 146 na mga bansa
Ang Afghanistan na na-trauma sa digmaan, na nasa ilalim na ng talahanayan, ay dumanas pa ng mas malalang humanitarian crisis mula nang muling maagaw ng Taliban ang kapangyarihan noong Agosto.
Sa pagtaya ng UN agency na UNICEF, isang milyong mga bata na wala pang limang taong gulang ang posibleng mamatay sa gutom sa taglamig kung hindi matutulungan.
Ayon sa co-author na si Jan-Emmanuel De Neve . . . “This (index) presents a stark reminder of the material and immaterial damage that war does to its many victims.”
Ang World Happiness Report, na nasa ika-10 taon na ngayon, ay batay sa sariling assessment ng mga tao sa kanilang kaligayahan, gayundin sa data ng ekonomiya at panlipunan.
Nagtatalaga ito ng marka ng kaligayahan sa sukat na zero hanggang 10, batay sa average ng data sa loob ng tatlong taong period. Ang pinakabagong edisyon na ito ay natapos bago ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Muling dinomina ng Northern Europeans ang top spots, kung saan ang Denmark (Danes) ay pumangalawa sa Finland (Finns), sinundan ng Iceland (Icelandic), ng Switzerland (Swiss) at ng Netherlands (Dutch).
Ang Estados Unidos ay umakyat ng tatlong puwesto sa ika-16, isang puwesto sa unahan ng Britanya, habang ang France ay umakyat naman sa ika-20, ang pinakamataas na puwestong nakuha nito.
Bukod sa “personal sense of wellbeing,” base sa Gallup polls sa bawat bansa, isinasaalang-alang din sa happiness score ang GDP, social support, personal freedom at levels ng corruption.
Sa taong ito, gumamit din ang mga may-akda ng data mula sa social media upang ihambing ang mga damdamin ng mga tao bago at pagkatapos ng pandemya ng Covid-19. Natagpuan nila ang “malakas na pagtaas ng pagkabalisa at kalungkutan” sa 18 bansa ngunit bumagsak ang mga damdamin ng pagkagalit.
Ayon sa isa pang co-author na si Jefferey Sachs . . . “The lesson of the World Happiness Report over the years is that social support, generosity to one another and honesty in government are crucial for wellbeing. World leaders should take heed.”
Marami ang nagtaas ng kilay sa report, nang una nitong ilagay sa unang puwesto sa kanilang listahan ang Finland noong 2018.
Inilalarawan ng marami sa 5.5 milyong katao sa Finland ang kanilang sarili bilang tahimik at madaling kapitan ng kalungkutan, at umamin na ang pampublikong pagpapakita ng kagalakan ay kahina-hinala.
Ngunit ang bansang may malalawak na kagubatan at lawa ay kilala rin sa maayos na paggana ng kanilang mga serbisyong pampubliko, kilala sa kanilang mga sauna na halos mayroon sa lahat ng dako ng bansa, sa kanilang malawakang pagtitiwala sa mga awtoridad at sa mababang antas ng krimen at hindi pagkakapantay-pantay.