Fixed broadband at mobile download speed sa Pilipinas mas tumaas pa sa pagtatapos ng 2022
Sa pagtatapos ng 2022, iniulat ng Ookla Speedtest Global Index na mas bumilis pa ang fixed broadband at mobile download speeds sa Pilipinas.
Batay sa Ookla, mula sa 81.42Mbps ay tumaas sa 87.13 Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa.
Ang latest download speed ay katumbas ng 7.01% month-to-month improvement para sa fixed broadband.
Kumakatawan ito ng improvement na 26.39% mula nang mag umpisa ang Marcos administration noong July 2022.
Tumaas rin ang mobile median speed,kung saan mula sa 24.04 Mbps ay umabot na sa 25.12 Mbps ang download speed.
Katumbas ito ng 4.49% month-to-month improvement para sa mobile speed.
Mula ng magsimula ang Marcos administration, umabot na sa 17.33% ang naitalang improvement sa mobile speed sa bansa
Ayon kay National Telecommunications Commission OIC Commissioner Ella Blanca Lopez, ang malaking improvement na ito ay makakatulong ng malaki sa pagbangon ng ekonomiya.
Naniniwala ang opisyal na nakatulong rin dito ang bumilis na pag-iisyu ng permit ng mga lokal na pamahalaan sa mga telco para sa pagtatayo ng mga imprastraktura, tulad ng cellular towers at fiber optic network na kailangan para mapagbuti ang internet at connectivity service sa bansa.
Madelyn Villar- Moratillo