Flat trend ng Covid-19 cases, naitala sa NCR, Davao at Bacolod
Kinakitaan na ng flat trend ang Covid-19 infections sa National Capital Region (NCR), Davao city at Bacolod city.
Ito ang lumabas sa mga datos batay sa monitoring na ginagawa ng Octa Research group.
Maliban sa tatlong lugar, naobserbahan din ang flat trend sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, General Santos, Baguio at Calamba sa Laguna.
Nag-a-average na sa 5,242 ang arawang bagong kaso ng Covid-19 na naitatala sa nakalipas na isang linggo o katumbas ng limang porsiyentong mas mababa sa sinundang linggo.
Umakyat naman sa 0.91 ang reproduction number sa Metro Manila na naitala noong Hulyo 4 -10, kumpara sa 0.90% noong Abril 21, 2021.
Nananatiling mataas ang intensive care unit occupancy sa Davao na may 94%, Iloilo city na may 98% at Santa Rosa sa Laguna na may 87%.