Flexible MECQ,inaprubahan ng Metro Mayors
Napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro manila na magpatupad ng flexible MECQ pagkatapos ng april 30.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ito sa meeting ng Metro Mayors kagabi.
Sa ilalim ng flexible MECQ, papayagan na magbukas ang iba pang essential business.
Kasama na rito ang mga negosyong may kinalaman sa construction at mga negosyong inaprubahan ng Department of Trade and Industry at NEDA.
Bumaba na raw kasi ang datos ng nagkakaroon ng COVID-19 sa Metro manila pero target nilang mas mapababa pa ito.
Iiklian na rin ang oras ng curfew na alas diez hanggang alas 4 ng madaling araw mula sa kasalukuyang 8pm hanggang 5am.
Magpapatupad rin ng border control habang mahigpit na paiiralin ang health safety protocol.
Ang desisyon ng Metro Manila Council ay isusumite na sa Inter Agency Task Force na sya namang magsusumite sa pangulo.
Meanne Corvera