“Floor by floor search” ipinatupad para sa mga biktima ng baha sa Porto Alegre sa Brazil

The search and rescue task is complex in the state capital, Porto Alegre -- a city with many tall buildings, wide avenues, and some 1.4 million inhabitants / Florian PLAUCHEUR / AFP

Simula sa itaas hanggang sa ibaba, ginalugad ng rescuers ang mga gusali sa Porto Alegre, para sa mga residenteng na-trap sa mga apartment o sa mga rooftop, matapos maging ilog ang mga lansangan nito bunsod ng mga pagbaha.

Sa Sarandi neighborhood ng kabisera ng estado, unang inilikas ng mga bumbero ang mga tao na nasa bubungan ng mga apartment building, pagkatapos ay pinuntahan ang nasa itaas na palapag sa loob ng gusali.

Floods have killed at least 78 people in the Rio Grande do Sul state / Anselmo Cunha / AFP

Sinabi ni Daniel Batista da Rocha, isang pamatay sunog mula sa southern state ng Rio Grande do Sul, “Now, we are evacuating those on the second and third floors.”

Subalit pahirapan ang search and rescue sa isang siyudad na maraming matataas na mga gusali, malalawak na daan, at may nasa 1.4 na milyong naninirahan.

Ayon kay Rocha, “There is a lot of water… it is deep. The (rescue) boats are travelling at the same height as the power cables. So to navigate, we must cut the cables.”

Ang pagbaha ay ikinamatay na ng hindi bababa sa 78 katao sa estado hanggang nitong Linggo, at dose-dosenang iba pa ang nawawala habang nasa 115,000 naman ang napilitang lisanin ang kanilang tahanan.

People dislodged from their homes are in need of food, medicine, clothes and bedding / Carlos FABAL / AFP

Bukod sa Porto Alegre, daan-daang mga bayan at villages din ang tinamaan ng baha, sanhi upang mawalan ng suplay ng tubig, kuryente, at mawalan ng serbisyo ng telepono at internet ang libu-libong katao.

Ayon sa tanggapan ng alkalde, ang lebel ng tubig ng Guaiba River na tumatakbo sa Porto Alegre ay umabot na sa 5.3 meters (nasa 17.4 talampakan) nitong Linggo, mas mataas kaysa naitalang 4.76 meters sa makasaysayang pagbaha noong 1941.

At hindi lamang professionals ang sangkot sa search and rescue operation.

Sinabi ng 32-anyos na volunteer na si Luis Eduardo da Silva mula sa Porto Alegre, “We are doing our best to help. Everyone helps in their own way.”

Ang misyon niya ay mangolekta ng mahahalagang supplies gaya ng life jackets, tubig at fuel at dalhin ito sa mga nangangailangan.

Aniya, “Deliveries are done ‘by day’ when it is ‘easier to locate’ people amid the devastation. At night it gets complicated.”

Hundreds of soldiers are taking part in the rescue effort / Anselmo Cunha / AFP

Nagdadala rin ang mga tao ng bottled water at pagkain sa makeshift distribution points sa paligid ng siyudad, pati sa mga gas station.

Nanawagan naman ang state government para sa mga donasyong mattresses, sheets at personal hygiene products.

Marami na rin ang nagpahiram ng kanilang mga bangka, at maging ng kanilang jet skis, upang makatulong sa rescue effort.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *