Footage mula sa “Gladiator 2” ipinakita na ng Paramount
Ipinakita ng Paramount Pictures ang ‘first-look’ footage mula sa “Gladiator 2,” sa hindi karaniwang R-rated presentation ng Disney para sa movie theater bosses sa huling araw ng CinemaCon sa Las Vegas.
Sa isang extended trailer para sa matagal nang hinihintay na “Gladiator” sequel, ang bituin ng pelikula na si Paul Mescal ay nakipaglaban sa isang Colosseum na puno ng mga rhino, bloodthirsty baboons at maging sa mga lumulutang na Roman warships,.
Sinabi ng direktor na si Ridley Scott sa pamamagitan ng video link, “It is possibly more extraordinary than the first.”
US actor Brian Tyree Henry and Australian actor Chris Hemsworth appeared on stage during the Paramount Pictures presentation at CinemaCon / VALERIE MACON / AFP
Ang footage ay sinalubong ng isang masigasig na thumbs up sa CinemaCon, isang taunang pagtitipon kung saan ipinapakita ng mga Hollywood studio sa mga may-ari at manager ng mga sinehan mula sa buong mundo, ang kanilang paparating na mga pelikula.
Ang sequel ni Ridley Scott ay ipalalabas sa Nobyembre, halos 25 taon makaraang ipalabas ang original, Oscar best picture-winning historical epic na “Gladiator.”
Sa buong linggong ito, ang promotional marble statues para sa “Gladiator 2” ang naging palamuti sa Caesars Palace, ang Ancient Rome-themed hotel sa Las Vegas kung saan ginanap ang CinemaCon.
Dahil ang main characters ng naunang pelikula na ginampanan nina Russell Crowe at Joaquin Phoenix, ay namatay, may mga bagong aktor na pumasok.
Si Mescal ang gumanap sa papel ng gladiator na si Lucius, pamangkin ng masamang emperador na ginampanan ni Phoenix, na sandaling nasilayan bilang isang bata sa original na pelikula.
Si Pedro Pascal ay gumanap bilang isang heneral ng militar, habang ang mahiwagang karakter ni Denzel Washington ay makikita sa extended footage na nagpaplano upang pabagsakin ang Roman Empire.
Ang marangyang pagtatanghal ay tumanggap ng pagbubunyi kahit na ang Paramount at ang mas malawak na big-screen industry ay kapwa nahaharap sa kawalang katiyakang panahon.
Dwayne ‘The Rock’ Johnson appeared with dancers from ‘Moana 2,’ which is due to be released in November / RONDA CHURCHILL / AFP
Ang parent company ng Paramount na isa sa mga pinakalumang studio sa Hollywood, ay kasalukuyang naka-lock sa merger talks sa Skydance, isang media company na itinatag ng billionaire family na Ellison.
Samantala, ang pangkalahatang kita sa takilya ng Hollywood ay inaasahang babagsak ngayong 2024, higit sa lahat ay dahil sa mga welga ng mga aktor at manunulat noong nakaraang taon, na nagpahinto at umantala sa produksiyon ng mga pelikula.
Ipinakita rin ng Paramount executives ang kanilang mga pelikula na “A Quiet Place: Day One,” “Smile 2,” “Transformers One” at “IF,” na isang bagong komedya mula kay John Krasinski at pinagbibidahan ni Ryan Reynolds.
Tinapos ng Disney ang CinemaCon sa pamamagitan ng sarili nilang star-studded presentation.
Kinabibilangan ito ng paglabas ni Dwayne “The Rock” Johnson para i-promote ang November release ng “Moana 2” at Amy Poehler, na nagbabalik para sa “Inside Out 2” na ipalalabas naman ngayong Hunyo.
US actress Amy Poehler promoted movie ‘Inside Out 2’ during the Walt Disney Studios presentation at CinemaCon / RONDA CHURCHILL / AFP
Ang Oscar-winning “Moonlight” director naman na si Barry Jenkins ay nagkaroon ng preview ng kaniyang animated prequel na “Mufasa: The Lion King,” na ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre.
Ipinakita rin ng Disney ang footage ng Marvel superhero film debut ni Harrison Ford na “Captain America: Brave New World” na ipalalabas sa susunod na taon.
Ngunit ang presentasyon ng family-friendly studio ay naiba mula sa karaniwang script nang ipasilip nila ang “Deadpool & Wolverine,” ang unang R-rated superhero movie ng Disney.
Sa pelikula ay magkakaroon ng team up ang karakter ni Reynolds na si Deadpool at ang bituin ng “X-Men” na si Hugh Jackman.
Ang dalawang karakter ay kapwa dating pagmamay-ari ng 20th Century Fox.
Subalit binili ng Disney ang karibal niyang studio at ang mga pag-aari nito noong 2019, at ngayon ang naturang mga karakter ay isinasama na sa lubhang popular na Marvel film series, na nagresulta sa isang Disney superhero movie na nagtatampok ng adult language, tahasang seksuwal na reperensiya, at ilang ‘meta joke’ tungkol sa studio mismo.